• Tony Miñano Macalisang

Lalaking naligo sa dagat sa Ferrol, Romblon, nalunod


FERROL, Romblon – Isang lalaki na naligo sa dagat ang nalunod sa Sitio Guin-awayan, Barangay Hinag-oman, Ferrol, Romblon dakong alas 5:00 ng hapon, Disyembre 25, 2020.


Kinilala ng Ferrol Municipal Police Station (FMPS) ang biktima na si July Conejos Fiedacan, 21 taong gulang, binata at residente ng Sitio Guin-awayan, Barangay Hinag-oman, Ferrol, Romblon.


Sa imbestigasyon ng Ferrol MPS, nakipag-inuman umano ang biktima sa kanyang mga kaibigan hanggang sa nalasing, at dakong 4:00 ng hapon ay umuwi ng kanilang tahanan at nagpaalam sa kanyang ina na maliligo sa dagat na malapit lamang sa kanilang bahay.


Ilang sandali pa ang nakalipas ay hindi na makita ang biktima sa paligid kung kaya’t hinanap ito ng kanyang kapatid kung saan ay natagpuan nang nalunod ang biktima.


Agad na dinala ang biktima sa Romblon Provincial Hospital (RPH) sa bayan ng Odiongan, Romblon ngunit inineklara itong “dead on arrival” (DOA) ng sumuring doctor.


Wala namang makita ang pulisya na may “foul play” sa nasabing pangyayari. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.