• Romblon Sun

Lalaking senior citizen sa Romblon na namatay nitong Nobyembre 7 nagpositibo sa COVID-19


ROMBLON, Romblon – Base sa ulat na ipinalabas ng PESU, nagpositibo sa COVID-19 ang sumakabilang buhay na senior citizen nitong nakalipas na Biyernes, Nobyembre 7, 2020.


Lumabas lamang ang resulta ng PCR Test ng naturang lalaking senior citizen nitong Nobyembre 9, 2020 na na-admit sa Romblon District Hospital sa Romblon, Romblon.


Ayon sa kinaukulan, wala umanong travel history ang naturang senior citizen at maging exposure o nakasalamuha na mayroong COVID-19.


Isinagawa na rin ang contact tracing kung sino-sino ang nakasalamuha ng nasabing pinakaunang naging biktima ng COVID-19 sa bayan ng Romblon.


Paalaala ng DOH Romblon sa mamamayan na manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas. Laging sundin ang ipinapatupad na health protocols, huwag kalimutan na magsuot ng face mask at face shield pag lumabas ng bahay, laging maghugas ng kamay at panatilihin ang distansya sa katabi o mag social distancing. (Romblon Sun Online)  

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.