• Romblon Sun

Lalaking taga Looc (Romblon) na may kasong rape timbog sa kapulisan sa Sariaya, Quezon


LOOC, Romblon – Dinakip ng mga awtoridad ang isang lalaki na taga Looc na ika-8 sa Most Wanted Person sa probinsya ng Romblon dakong umaga nitong nakaraang araw sa Barangray Gibanga, Sariaya, Quezon.


Ang dinakip na lalaki ay kinilala ng Looc Municipal Police Station (LMPS) na si Maxwell Guyo Gallos alias “Nano” , 33, binata, magsasaka at residente ng Barangay Limon Sur, Looc, Romblon.


Ang nasabing lalaki ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Looc MPS at Sariaya Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Executive Judge Jose M. Madrid ng Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon na may petsa na Pebrero 26, 2015 dahil sa kasong Rape in relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal case No. OD-02496 at walang rekomendang piyansa ang korte.


Ang nasabing inarestong lalaki ang nasa ilalim ng kustodiya ng Sariaya MPS para sa dokumentasyon at ihaharap ng Looc MPS sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.