• Tony Miñano Macalisang

Lalaking wanted dahil sa kasong 2 counts ng Rape timbog sa kapulisan


CAJIDIOCAN, Romblon – Arestado ang isang isang lalaki na ika-apat sa most wanted person ng lalawigan ng Romblon nitong hapon ng Abril 12, 2021 sa Barangay Panubigan, Balud, Masbate.


Kinilala ang hinuling suspek na si Teddy Regala Rojo, 52 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Jao-asan, Magdiwang, Romblon.


Si Rojo ay dinakip ng pinagsanib na tauhan ng PIU (led unit) at ng Cajidiocan Municipal Police Station, Balud MPS, CIDG Romblon, RIU, RID HPU at ng 3rd Platoon ng Romblon Provincial Mobile Force Company (RPMFC) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Executive Judge Donna B. Pascual of RTC Branch 81, Romblon, Romblon noong Enero 8, 2019 dahil sa kasong Rape, 2 counts (Art. 266-A par. 1 (d) in rel. to par 1d (Statutory Rape) of RPC sa ilalim ng Criminal Case No. 3957 at Criminal Case No. 3958 at walang rekomendang piyansa sa bawat kaso para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang inarestong lalaki ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cajidiocan MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png