• Tony Miñano Macalisang

Lalaking wanted dahil sa kasong rape sa Alcantara, Romblon, timbog sa pulisya


ALCANTARA, Romblon – Arestado ang isang lalaking pinaghahanap ng batas dakong 3:50 ng hapon ng Enero 25, 2021 sa Barangay Tugdan, Alcantara, Romblon.


Kinilala ang hinuling suspek na si Raffy Escote Mancuyas, 24 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Tugdan, Alcantara, Romblon.


Dinakip si Mancuyas ng mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station (AMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Presiding Judge Edwin Buffe ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon nitong Enero 22, 2021 dahil sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. OD-3053 at walang narekomendang piyansa.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alcantara MPS ang nasabing lalaki para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.