• Tony Miñano Macalisang

Lalaking Wanted ng Batas sa Cajidiocan, Romblon, Timbog sa Kapulisan


CAJIDIOCAN, Romblon – Inaresto sa kanyang tahanan ang isang binata na may warrant of arrest dakong 6:00 ng umaga ng Enero 16, 2021 sa Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon.


Ang 24 taong gulang na si Raymond Rabino Rio na nakatira sa Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon ay dinakip ng pinagsanib na mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station at ng PIU RPPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge of Family Court, Branch 19, Romblon, Romblon, na may petsa na Disyembre 14, 2020 dahil sa kasong Rape (Article 266-A, paragraph 2 of the Revised Penal Code) sa ilalim ng Criminal Case No. FC-87-L-20 at may rekomendang piyansa na halagang Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing hinuli na lalaking wanted ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Cajidiocan MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png