• Romblon Sun

Lalaking Wanted sa Alcantara, Romblon, tiklo sa Silang Cavite.


ALCANTARA, Romblon – Hulog sa batas ang isang lalaki na may mandamyento de aresto nitong 11:40 ng umaga sa Barangay Adlas, Silang Cavite City.


Ang nahuling suspek na pangalawa sa most wanted person sa bayan Alcantara, Romblon ay kinilala na si Ryan Galido Patnon, 34 taong gulang at residente ng Barangay Bagsik, Alcantara, Romblon at pansamantalang nakatira sa Barangay Adlas, Silang, Cavite.


Inaresto si Patnon ng pinagsanib na operatiba ng Alcantara Municipal Police Station at Silang Municipal Police Station, Silang Cavite City sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Presiding Judge Jose M. Madrid, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon na may petsa na Agosto 10, 2012 dahil sa kasong Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case Number OD-2132 at may rekomendang piyansa ang korte na halagang Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing dinakip na suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng Silang MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online).

ADVERTISE WITH US!.png