• Tony Miñano Macalisang

LALAKING WANTED SA KASONG “CONCUBINAGE” SA KABESIRA, INARESTO


ROMBLON, Romblon – Isang lalaking wanted ang hinuli ng kapulisan dakong 11:40 ng umaga ng Agosto 21, 2020 sa Barangay, Cajimos, Romblon, Romblon.


Kinilala ng kapulisan ang lalaki na si Jackson, Martinez, Macatol, 57 taong gulang, may-asawa, self –employed at nakatira sa Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.


Si Macatol ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) at Romblon Provincial Mobile Force Company (RPMFC) 4th Platoon sa kaniyang tahanan sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Maria Christita A. Rivas-Santos, Presiding Judge, Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon na may petsang Agosto 20, 2020 dahil sa kasong Concubinage sa ilalim ng Criminal Case No. 4604 at may rekomendang piyansa na halagang Thirty Thousand Pesos (P30,000.00) para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing wanted person ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Romblon MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.