• Tony Miñano Macalisang

Lalaking wanted sa Magdiwang, Romblon nahuli sa Batangas


MAGDIWANG, Romblon - Inaresto ng kapulisan ang isang lalaking may kaso sa Magdiwang nitong 6:30 ng hapon ng Oktubre 25, 2020 sa Barangay Anus, San Jose, Batangas.


Kinilala ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS) ang suspek na si Martin Radan Magadia, 21 taong gulang, binata, poultry boy, residente ng Barangay Dulangan, Magdiwang, Romblon at kasalukuyang nakatira sa Barangay Anus, San Jose, Batangas City.


Si Magadia ay dinakip sa kanyang pinagtatrabahuhan ng pinagsamang tauhan ng Magdiwang MPS at San Jose Municipal Police Station ng Batangas PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 81, Romblon, Romblon na may petsang Hunyo 19, 2019 sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Criminal Case No. 3987 at may rekomendang piyansa na halagang Thirty Thousand pesos (P30,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Jose MPS, Batangas PPO at ihaharap sa nakasasakop ng korte para sa kaukulang disposisyon. (AMM/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.