• Romblon Sun

Lalawigan ng Romblon may 6 na aktibong kaso ng COVID-19



ROMBLON, Romblon – Tatlong panibagong kaso ang nadagdag sa nag positibo sa COVID-19 sa bayan ng Romblon, Romblon matapos dumating ang resulta ng kanilang RT PCR test.


Ang nasabing mga bagong kaso na nagpositibo ay kabilang sa 47 na mga naclose contact ng yumaong pasyente na senior citizen na nagpositibo sa RT PCR test.


Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) may tatlong suspek pa ang minomonitor ang kanilang kalagayan at nasa 92 naman ang hinihintay ang kanilang resulta.


Sa kasalukuyan ay may anim na aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Romblon na ang lima (5) ay mga local transmission sa bayan ng Romblon at ang isa (1) ay LSI sa bayan ng Odiongan na pawang naka isolate at nasa quarantine facility ng kani-kanilang bayan.


Sa kabuuang 41 na kaso na ang naitala na nagpositibo sa COVID-19 sa probinsya ng Romblon, ang 32 dito ay imported o mula sa labas ng probinsya at siyam (9) na kaso naman ang nakuha sa lokal na transmission.


Paalaala ng kinaukulan na laging magsuot ng face mask at face shield, laging maghugas ng kamay o magpunas ng alkohol, at ementina ang social distancing, iwasan rin ang maraming tao, manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas ng bahay. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.