• Tony Miñano Macalisang

Lalawigan ng Romblon may 8 na aktibong kaso ng COVID-19


Romblon – Sa kasalukuyan, Enero 31, 2021, ang lalawigan ng Romblon ay may walong (8) kaso na nagpositibo sa COVID-19.


Sa update ng PESU Romblon nakatala na ang pito (7) na aktibong kaso ay sa bayan ng Romblon, Romblon na kinabibilangan ng anim na miyembro ng PCG-K9 at isang babae na 21 taong gulang na taga Brgy Capaclan, Romblon, Romblon at ang isa (1) ay sa bayan ng Santa Fe, Romblon.


Itinuturing ito na kauna-unahang kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Santa Fe, Romblon na isang 34 na taong gulang na babae at walang travel history sa labas ng lalawigan. Nasa isang isolation facility na ang nasabing pasyente.


Ayon pa sa PESU Romblon, pawang mga local trasmisyon ang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19. Mayroon pa umanong 33 na hinihintay ang resulta.


Samantala, sa kabuuan ay nakapagtala na ng 131 na kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan, at nasa 120 na ang gumaling at tatlo (3) naman ang namatay. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png