• Tony Miñano Macalisang

Lalawigan ng Romblon may 9 na kaso na nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw


ROMBLON, Romblon – Nakapagtala ang probinsya ng Romblon ng siyam (9) na kaso na nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw, Marso 8, 2021.


Sa inilabas na ulat ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) – ROMBLON, ang bayan ng Romblon ay kasalukuyan may walong aktibong kaso (local) at isa naman sa bayan ng Odiongan na isang LSI.


Ayon sa RHU-Romblon, ang dati na tatlong aktibong kaso sa bayan ng Romblon ay nadagdagan ng limang nagpositibo sa COVID-19 na mga local transmission at pawang nahawa sa pasyente na case No. 139.

“Labing-tatlong (13) resulta ng RT PCR Test ang ibinaba ng RITM ngayong araw, at walo (8) ang negatibo habang lima (5) naman ang nagpositibo sa Covid 19. Ang limang bagong kaso ay naexpose kay Case No. 139. Sila ay nakaisolate simula pa noong naitala na sila ay na close contact ni Case No. 139,” ayon sa RHU-Romblon.


Ang naturang lima ay kinabibilangan ng isang isang taong gulang na batang babae na residente ng Barangay Sawang, Romblon, Romblon (case No. 142), lalaki na 54 taong gulang na taga Barangay Lonos, Romblon, Romblon (case No. 143), lalaki na 34 taong gulang na nakatira sa Barangay Mapula, Romblon, Romblon (case No. 144), 25 taong gulang na lalaki na nagmula sa Barangay Bagacay, Romblon, Romblon (case No. 145) at isang babae na 22 taong gulang at residente ng Barangay 11 – Poblacion, Romblon, Romblon.


Muli ay ipinaalaala ng kinaukulan sa lahat, na palaging maging maingat at ugaliin ang pagsuot ng face mask at face shield. Hinihikayat din ang lahat na huwag munang lumabas ng tahanan kung wala namang importanteng gagawin sa labas at panatilihin ang social distancing sa lahat ng oras upang mas ligtas o maiwasan na mahawa sa iba. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.