• Tony Miñano Macalisang

LGU ODIONGAN MAGDADAOS NG “BALIGYAAN SA ODIONGAN, MALEY KAMO!


ODIONGAN, Romblon - Ngayong darating na Linggo, Setyembre 27, 2020 ang Local Government Unit (LGU) ng Odiongan ay magdadaos ng isang araw na malawakan na Market Day na tatawaging “BALIGYAAN SA ODIONGAN, MALEY KAMO!” na gaganapin sa Pamilihang Bayan ng Odiongan at Children’s Park.


Maging tampok na paninda ang iba’t-ibang produktong lokal na gawa at mula sa bayan ng Odiongan at maging sa karatig bayan.  Kabilang dito ang mga produktong agrikultural katulad ng mga gulay, prutas, bulaklak, iba pang produkto mula sa pananim, mga alagang hayop, katulad ng manok, baboy, kambing, baka, kalabaw at iba pang hayop.


Makikita rin ang mga iba’t-ibang handicraft, at mga furnitures na gawa ng mga lokal na residente ng Odiongan.


Magkakaron din ng mga prinosesong produkto na mga pagkain, kakanin, mga naka de lata at mga nakabote ng mga pagkain at mga produktong herbal medicines.


Mag-uumpisa ang nasabing programa ganap na alas-kuwatro (4:00) ng madaling araw hanggang alas-tres (3:00) ng hapon kung saan ang ibang kalahok ay magbibigay ng  diskwento sa kanilang mga paninda at meron ding mag bibigay ng libreng mga sample at “free taste” sa mga bisita.


Layunin ng LGU-Odiongan na mabigyan ng promosiyon ang mga lokal na produkto at mahikayat ang ating mga mamimili na bilhin ang mga produktong lokal ng gawa ng mga Romblomanons.


Sa mga nais bumili sa pamilihang bayan at sa parke na wag kalimutan na magdala ng sariling lalagyan.


Kanilang ring ipinaalaala sa mga bisitang pupunta at mamimili na sundin ang ipinapatupad na protokols kagaya ng pagsusuot ng face masks at pagpapanatili ng physical distancing sa loob ng merkado. ”Maley Kamo!” pumunta na bukas sa merkado at sa parke, tiyak na mag-eenjoy kayo! (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.