LIBRENG GUPIT SA KABATAAN HANDOG NG ODIONGAN PULIS, SK/KKDAT AT TAU GAMMA PHI


Odiongan, Romblon- Ang mga tauhan ng Odiongan MPS sa pangunguna ni PSMS Chesyl F Garcia, Chief, PCR PNPCO, sa pakikipagtulungan ng Kabataan Kontra Droga sa Terorismo (KKDAT-Canduyong), Sangguninag Kabataan at Barangay Council ng Barangay Canduyong , Tau Gamma Phi Canduyong Community Chapter at Sigma Lamda Phi ay nagsagawa ng Libreng Gupit para sa mga kabataan ng Canduyong noong ala-una ng hapon ng Agosto 16, 20202 na ginanap sa Barangay Covered Court, Barangay Canduyong, Odiongan, Romblon.

Nagsagawa rin ng isang maikling programa na kung saan ay tinalakay si PMSg Danny M Lanogon ang paksa ng Anti-Illegal Drugs at Anti-Terrorism Awareness, mga tip sa kaligtasan at pag-iwas sa krimen lalo na ang mga krimen sa kalye at iba pang paksa na kaugnay sa crime prevention.

Tinalakay naman ni PSMS Garcia ang online safety para sa mga kabataan, ang kanilang mga karapatan, human trafficking at sexual harassment.



Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni G. Joey V Famisan, Pangulo ng Tau Gamma Phi – Canduyong Kabanata at siya rin ang Vice President ng KKDAT Canduyong.

Kasama rin sa nasabing event sina SK Chairman at PIO ng KKDAT Canduyong Nova M Galiga.

Ang Odiongan Municipal SK Federation ay nagpahiram din ng mga story book sa limampung bata (50) na tatanggap ng Libreng Gupit na nagmula sa kanilang programang “Libro-On-The-Go Project”.

Namahagi din ng libreng pagkain ang mga organizer sa mga dumalo.

Ang layunin ng aktibidad na ito ay upang hasain ang samahan ng KKDAT at iba pang mga kabataan sa kanilang responsibilidad sa lipunan at iligtas sila mula sa pinsala na dulot ng droga at hindi mabiktima ng huwad na pangako ng makakaliwang grupo.

Ang gawaing ito ay isa sa mga programa ng kapulisan na mapalapit ang tagapagpatupad ng batas sa komunidad. - amlsoledad



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.