• Tony Miñano Macalisang

Limang mangingisda sa Cajidiocan tiklo sa illegal fishing


CAJIDIOCAN, Romblon – Dinakip ng mga kapulisan ang apat na mangingisda na naaktuhang nagsasagawa ng ilegal fishing kaninang 4:15 ng umaga sa karagatan na sakop ng Barangay Cambalo, Cajidiocan, Romblon.


Ang mga hinuling suspek ay kinilala na sina Robert T. Royo, 30 taong gulang, binata, mangingisda, Jomer D. Roda, 52 taong gulang, mangingisda, Lawrence R. Mapa, 20 taong gulang, binata, mangingisda, Jomar F. Roda, 20 taong gulang, walang asawa, mangingisda at si Pancho S. Luzong, 46 taong gulang, may-asawa, mangingisda at pawang mga residente ng Barangay Cambalo, Cajidiocan, Romblon.


Base sa ulat, ang mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station (CMPS), katuwang ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) – Cajidiocan ay nagsasagawa ng pagpatrolya sa karagatan na sakop ng bayan ng Cajidiocan na kung saan ay kanilang naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng ilegal fishing gamit ang ipinagbabawal na air compressor base sa Municipal Ordinance No. 07-03 section 67 – The Local Fisheries Code (Prohibiting the use of air compressor as breathing apparatus).


Nakumpiska sa mga mangingisda ang isang bangkang de motor, isang yunit na air compressor, hose na may haba na 400 metro, 5 flippers, apat na spear gun (pana), flashlight, goggle, at mga isda na tinatayang nasa beinte kilos na nagkakahalaga ng dalawang libong piso.


Ang mga nahuling suspek ay nasa kustodiya ng Cajidiocan MPS at mapapalaya lamang pagkatapos na makapagbayad ng kaukulang multa sa opisina ng Municipal Treasurer ng Cajidiocan. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.