• Romblon Sun

Looc may lima na bagong naitalang kaso ng COVID-19


LOOC, Romblon – Sa ipinalabas na LOOC COVID-19 UPDATE ng LGU Looc ngayong araw, Abril 1, 2021, ay kanilang pinapabatid na mayroong lima na nagpositibo sa RT PCR saliva test na isinagawa noong Marso 30, 2021.


Sa limang nagpositibo, ang tatlo ay dinala na sa quarantine facility habang ang dalawa ay nakaconfine sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Barangay Punta, Looc, Romblon.


Ang mga naging close contacts ng naturang mga nagpositibo ay dadalhin na rin sa itinalaga nilang isolation facility.


Kasalukuyang ay may labing-isa (11) na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Looc matapos na magdagdagan ng lima ang dating anim na nagpositibo sa nasabing bayan na naiulat na nakuha sa pamamagitan ng lokal transmisyon.


Ipinapatupad na rin ng Looc LGU ang granular lockdown sa mga sumusunod; Sitio Silagon, Sitio Lunas, Sitio Centro, Sitio Grande ng Barangay Limon Sur, Looc, Roblon; Sitio Sampaguita at Sitio Carolina ng Barangay Poblacion, Looc, Romblon; at Sitio Bagto ng Barangay Guinhayaan, Looc, Romblon.


Ayon pa sa pamunuan ng Looc, pansamantala muna nilang ipasasara ang Looc Public Market upang mabigyang daan ang pagsagawa ng mass testing sa mga vendors ng Looc na maaring naka close contact ng mga pasyente.


Patuloy na pinapaalalahanan ng Looc LGU ang mga residente na sumunod sa pinapatupad na Health Protocols ng DOH.


Kanila rin hinihiling na maging kalmado at magkaisa ang lahat sa panahong ito na nahaharap sa mabigat na problema ang bayan at ipanalangin na malampasan ang pagsubok na dumating. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.