Looc, patungo sa pag-unlad


Ang mga miyembro ng Municipal Project Monitoring Committee (MPMC) na abala sa pagbisita sa mga proyekto ng LGU Looc na inimplementa noong nakaraang taon. Ito ay kanilang regular na ginagawa upang masubaybayan ang mga kasalukuyang ginagawang proyekto sa bayan ng Looc, Romblon.


Ilan sa kanilang pinuntahan ay ang ginagawang Executive and Legislative building, ang proyektong drainage canal sa kalye ng Grimares, Tirol at Rizal. Kasama rin sa binisita ang ginagawang Terminal at access road sa palengke ng Looc, at marami pang iba.


Ang committee ay pinamunuan ni SB Ismael “Bong” Osorio kasama ang kanyang mga miyembro na sina MLGOO Aleza Refe, CSO Representatives - Nixon Tinao at Victoria Gabat, MDRRMO Neil Fopalan, MPDC Alfred Bancoro II, Engr. Genecris Lachica at MSWDO Ronald Fetalsana. (Romblon Sun Online)




Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.