• Tony Miñano Macalisang

Looc (Romblon) may 55 na positibong kaso ng COVID-19


LOOC, Romblon – Kasalukuyang nasa 55 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Looc base sa kanilang COVID-19 Case Bulletin ngayong araw, Abril 15, 2021.


Ang 13 dito ay mga bagong nagpositibo sa COVID-19 sa ginawang RT PCR test sa 53 katao kung saan ay nasa 40 naman ang nag negatibo.


Ang mga nagpositibo ay inilagay na sa isolation facility habang ang kanilang mga naging close contacts ay nasa quarantine facility na rin at isailalim sa RT PCR test.


Ayon sa kinaukulan karamihan sa nagpositibo sa COVID-19 ay magkakasama sa iisang bubong.


Ang bayan ng Looc ay mayroon ng kabuuang 84 na kaso ng COVID-19, nasa 26 na ang nakarekober at tatlo naman ang naitalang pumanaw.


Ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay nakabahagi sa mga sumusunod na barangay; Barangay Poblacion – 26, Brgy. Punta-13; Brgy. Tuguis -2, Brgy. Guinhayaan-2, Brgy. Manhac-1, Brgy. Camandag-6, Brgy Limon Sur-24, Brgy. Limon Norte-2, Brgy. Agojo-3 at Brgy. Pili-5.


Pinapaalaala ng pamunuan sa lahat na sundin ang pinapatupad na protocol ng DOH, laging magsuot ng face mask at face shield, ementina ang mahigit na isang metro ang agwat sa katabi, ugaliin ang maghugas ng kamay at manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas ng bahay. (Romblon Sun Online)



ADVERTISE WITH US!.png