• Tony Miñano Macalisang

LSI ng San Jose (Romblon) maghahamunan, matira ang matibay


SAN JOSE, Romblon – Isang labanan ang inihahanda para sa mga Locally Stranded Individuals (LSI) ng San Jose, Romblon na pangasiwaan ng San Jose Rural Health Unit (SJRHU) na magsimula ngayong Linggo.


Upang huwag mabagot ang mga LSI sa kanilang mga Quarantine facilities ay naisipan ng mga tauhan ng SJRHU-Romblon na gumawa ng kakaibang libangan kagaya ng pagdaos ng isang paligsahan na paglabanin ang mga LSI sa kanilang angkin na galing, abilidad at talino sa pagsasayaw, pagkanta at pag-acting na tinawag nilang “LSI Tik Tok Challenge” na ipo-post sa facebook.


“Upang labanan ang lungkot at pagkabagot sa mga Quarantine Facilities, aming inaanyayahan ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa isang hamon sa pagalingan sa pagsayaw, kanta, o acting: LSI TikTok Challenge,” ayon sa tauhan ng SJRHU-Romblon.

Ayon sa pamunuan ng SJRHU kanilang inaanyayahan ang mga LSI na magbuo ng grupo. Tig isang grupo ang mga nasa barangay LIGTAS Covid Center Quarantine Facility at tig isang grupo naman doon sa mga nakaquarantine sa bawat room ng San Jose Elementary School at San Jose National High School at ito ay kanilang ilagay sa facebook.


Ededeklarang panalo ang may pinakamaraming Facebook (FB) likes pagdating ng Linggo ng gabi na siyang makakatanggap ng espesyal na tanghalian at meryenda mula sa pamunuan ng San Jose Rural Health Unit - Romblon.


“Ang pinakamahusay at may pinakamaraming FB likes pagdating ng Linggo ng gabi ang magwawagi ng espesyal na tanghalian at meryenda mula sa San Jose Rural Health Unit.” ayon sa SJRHU-Romblon.

Kanila pa ring pinapaalala ang laging pagsuot ng facemask at magmentina ng social distancing. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.