• Tony Miñano Macalisang

LSI SA SAN FERNANDO, ROMBLON PANIBAGONG KASO NG COVID-19


SAN FERNANDO, Romblon – Ipinabatid ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na sang locally stranded individual (LSI) na umuwi sa bayan ng San Fernando, Romblon ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na maisagawa ang Rapid Antibody –based Diagnostic Test (RDTs) at Real-Time reverse transcription chain reaction (RT-PCR).


Kinumpirma rin ni Governor Jose Riano ang nasabing balita sa kanyang FB post na isang LSI ang panibagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Romblon.


Ayon kay Governor Riano, agad na inimbestigahan ng San Fernando Team at inusisa kung sino-sino ang mga nakasalamuha ng nasabing pasyenteng SLI upang mabigyan ng kaukulang aksyon.


“Kasalukuyang nagcoconduct ng contact tracing ang San Fernando team dahil po sa positive case na patient natin,” ayon kay Governor Riano.

Ang nasabing LSI na taga Barangay Azagra, San Fernando ay pang-apat nang kaso na tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Rombon simula noong Marso 2020.

Muling ipinaalala ni Governor Riano na mag ingat ang lahat at sumunod sa pinapatupad na health protocols at hingin ang patnubay ng Panginoon laban sa COVID-19.

“Muli gusto ko pong ipaalala na tayo ay mag ingat, sumunod sa health protocols at manalangin na iadya tayo sa COVID 19,” pahayag pa ni Governor Otik. (AMM/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.