• Romblon Sun

Lumubog na Bangkang Pangisda Nasagip ng Coastguard sa pagitan ng isla ng Tablas at Carabao island


LOOC, Romblon - Isang lumubog na bangkang pangisda ang nasagip ng mga tauhan ng Coastguard at ng Looc PNP sa gitna ng laot nitong Lunes.


Kinilala ang nasagip na mangingisda na si Largie Illustresimo, 22 taong gulang, at residente ng Barangay Punta, Looc, Romblon.


Ayon sa imbestigasyon, habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga tauhan ng Coastguard kasama ang mga tauhan ng Looc Municipal Police Station (LMPS) at mga tauhan ng Looc Bantay Dagat sakay ng bangkang MBCA LANCE RAIYENCE sa karagatan na sakop ng bayan ng Looc ay kanilang namataan ang isang nakalubog na bangkang pangisda sa pagitan ng isla ng Tablas at ng bayan ng San Jose (Carabao Island) kung saan ay agad nila itong pinuntahan at tinulungan na mahila pabalik sa bayan ng Looc, Romblon.


Ayon sa mangingisda na si Illustresimo, noong pumalaot umano ito upang mangisda ay hindi maganda ang panahon hanggang sa mahagip umano ang kanyang bangka ng isang malaking alon na naging dahilan para lumubog ang nasabing bangkang pangisda.


Masuwerti naman at nakita ito ng nagpapatrolyang mga Coastguard at kapulisan at nailigtas sa bingit ng panganib ang magingisdang taga Barangay Punta, Looc, Romblon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.