• Tony Miñano Macalisang

Magpinsan na nalunod sa ilog ng Bulwang, Odiongan (Romblon) natagpuan na


ODIONGAN, Romblon – Nakita na kaninang umaga ng Agosto 22, 2020 ang dalawang biktima na nalunod kahapon sa ilog ng Bulwang, Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon.


Unang nakita ang katawan ng biktimang si Mary Joy L. Faeldan na nakalutang sa ilog at tinatayang nasa 200 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente na agad dinala sa Romblon Provincial Hospital (RPH) ngunit ideneklarang wala nang buhay ang biktima.

Ang pangalawang biktima na si Josh Bryan M. Faeldan ay natagpuan namang nakalutang ang lomolobong katawan sa ilog dakong 11:45 ng umaga, humigit kumulang sa 200 metro ang layo mula sa lugar na kanilang pinaliguan sa ilog ng Bulwang, Sitio Bulwang, Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon.


Ang dalawang biktima ay parehong narekober ng search ang retrieval team na kinabibilangan ng Odiongan MPS, MDRRMO, BFP, RPMFC, PCG at ng mga Barangay Opisyal ng Brgy. Gabawan, Odiongan, Romblon ay dinala sa RPH para sa agarang lunas ngunit idineklarang dead on arrival (DOA) ng sumuring doctor.


Dinala ang labi ng mga biktima sa Saint Ruiz Funeral Homes, sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon sa koordinasyon ng kani-kanilang pamilya. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.