• Tony Miñano Macalisang

Magsasaka sa Corcuera, Romblon na may Warrant of Arrest, dinakip ng pulisya


CORCUERA, Romblon – Inaresto ng kapulisan ang isang magsasaka na may warrant of arrest sa Barangay Ilijan, Corcuera, Romblon nitong nakalipas na araw dahil sa kasong homicide.


Kinilala ng mga tauhan ng Corcuera Municipal Police Station (CMPS) ang suspek na si Boymelito Fajilagot Ferry, 54 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Ilijan, Corcuera, Romblon.


Ang nasabing suspek ay hinuli sa kanyang tahanan sa Barangay Ilijan, Corcuera, Romblon ng pinagsanib na tauhan ng Corcuera MPS, PIU at Batangas CPS sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Liberato C. Cortes ng 4th Regional Trail Court, Branch 8, Pallocan West, Batangas City na may petsa na Setyembre 16, 1996 sa kasong Homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 8318 at may rekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Twenty Thousand Pesos (P20,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing inarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Corcuera MPS at ihaharap sa nakakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.