• Tony Miñano Macalisang

Mangingisda na gumamit ng ipinagbabawal na air compressor sa pangingisda, hinuli


CAJIDIOCAN, Romblon – Isang mangingisda ang inaresto ng kapulisan matapos na madiskubre na gumamit ito ng ipinagbabawal na aparatu sa pangingisda noong 12:15 ng umaga ng Agosto 19, 2020 sa karagatan na sakop ng Barangay Camabalo, Cajidiocan, Romblon.


Ang mangingisdang hinuli ay kinilalang si Domingo Rabida Rivero, 50 taong gulang, may-asawa, mangingisda at nakatira sa Sitio Cagban, Barangay Cabalo, Cajidiocan, Romblon.


Ayon sa pulisya, ang mga tauhan umano ng Cajidiocan Municipal Police Station (CMPS) kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nagsagawa ng anti-illegal fishing operation sa karagatan na sakop ng bayan ng Cajidiocan na ikinadakip ng lalaking suspek dahil sa paggamit ng air compressor na ipinagbabawal ng batas.


Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang bangkang de motor, isang piraso na airtank compressor, hose na may habang 140 metro, 2 pirasong pana (spear gun), flashlight, isang pares ng flippers at iba’t-ibang klase ng isda.


Ang hinuling suspek ay isinailalim ng kustodiya ng Cajidiocan MPS at makakalaya lamang pagkatapos na makapagbayad ng kaukulang multa sa opisina ng Municipal Treasurer ng Cajidiocan, Romblon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.