• Romblon Sun

Mangingisda sa bayan ng Romblon tiklo sa kasong rape


ROMBLON, Romblon – Arestado ang isang mangingisda na may kasong rape kahapon ng hapon, Pebrero 21, 2021 sa Barangay Cobrador, Romblon, Romblon.


Kinilala ang hinuling lalaki na si Edgardo Manzalay Fernan, 50, may-asawa, mangingisda at residente ng Barangay Cobrador, Romblon, Romblon.


Ang nasabing lalaki ay dinakip sa kanyang tahanan ng pinagsanib na operatiba ng Romblon Municipal Police Station (RMPS), CIT, RID at Romblon Maritime Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Presiding Judge Donna B. Pascual of Family Court 4th Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon na may petsa na Pebrero 18, 2021 dahil sa paglabag sa RPC Article 226-A (Rape) sa ilalim ng Criminal Case No. FC-110-B-21 at walang rekomendang piyansa; paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape law of 1997) sa ilalim ng Criminal Case No. FC-111-B-21 at walang rekomendang piyansa; paglabag sa RPC Article 226-A (Rape) sa ilalim ng Criminal Case No. FC-112-B-21 at walang rekomendang piyansa; at paglabag sa RPC Article 226-A (Rape) sa ilalim ng Criminal Case No. FC-113-B-21 at may rekomendang piyansa na halagang Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing inarestong lalaki ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Romblon MPS at ihaharap sa nakasasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.