• Tony Miñano Macalisang

Matapos na makipag-argumento sa asawa, senior citizen sa San Jose, Romblon nagpakamatay


SAN JOSE, Romblon – Isang matandang lalaki ang natagpuang walang buhay na nakabitin sa loob ng kamalig dakong alas 10:00 ng gabi ng Disyembre 12, 2020 sa Barangay Poblacion, San Jose, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si "Pilarito", 60 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at residente ng Sitio Upper Ilaya, Barangay Poblacion, San Jose, Romblon.


Sa imbestigasyon ng San Jose Municipal Police Station (SJMPS) noong 6:00 ng gabi ng nasabing petsa ay nasa hapag kainan na umano ang mga miyembro ng pamilya para kumain ng hapunan pero ang padre de pamilya ay lumabas ng bahay dahil sa pakipagtalo sa kanyang maybahay.


Dakong 10:00 ng gabi, hinanap ni Yolly, 64 taong gulang, maybahay ng biktima, ang kanyang mister at natagpuan niya itong nakabitin sa loob ng kamalig na nasa likuran ng kanilang bahay at agad nitong kinalag ang nakapulupot na lubid sa leeg ng biktima upang matanggal sa pagkabitin.


Ayon sa maybahay ng biktima, madalas umano silang nagtatalo na mag-asawa na ang dahilan ay ang kahirapan ng buhay kung saan ay pareho silang walang hanapbuhay.


Ayon pa sa maybahay ng biktima, maka ilang beses na rin umanong nagtangkang magpatiwakal ang kanyang mister at madalas nitong sinasabi na wala siyang magagawa sa sitwasyon ng kanilang buhay dahil sa wala itong trabaho.


Ang nasabing insidente ay ipinagbigay alam ni Greg Maala isang negosyante, sa San Jose MPS dakong 10:30 ng gabi ng naturang petsa. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.