• Romblon Sun

“May kaso ako”- Cong Budoy Madrona


ODIONGAN, Romblon – Sa mensahe na ibinigay ni Congressman Eleandro Jesus F. Madrona sa ginanap na Blessing, Inauguration and Turn-over Ceremony ng Odiongan District Jail nitong Marso 25, 2021 sa Barangay Anahao, Odiongan, Romblon sinabi nito na may kaso siya at nakapiyansa.


“Masuwerte ako, may kaso ako bailable…” ito ang pabirong pahayag nito Congressman Madrona.


Ayon pa kay Cong Madrona, dapat umanong tratuhing tao ang mga bilanggo dahil sila ay mga inosente sa kanilang nagawa hanggang hindi pa napatunayang nagkasala.


“We should treat as people, because as I said they are still innocent, basta’t wala pang conviction”, ayon kay Cong Budoy.


Dagdag pa ni Madrona, hindi masasabi na guilty na ang isang inakusahan habang patuloy pang dinidinig sa korte ang kaso dahil kailangan na dumaan ito sa due process.


“Por Diyos, or Santo, hindi naman pu-pwede na marinig mo na sinasabi ng mga tao na ikaw ay guilty na, because even the court are still going to the process, because of due process that has to be given to these prisoners,” pahayag pa ni Cong Madrona.


Sina Congressman Budoy Madrona, Governor Otik Riano, Mayor Trina Firmalo Fabic, J/SSupt. Maria Irene Esquinas, Regional Director BJMP, J/Director Allan S. Iral, J/SINSP Danilo D. Abuda, District Jail Warden, mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang opisyal ng lalawigan at ng mga munisipyo ng Romblon ay dumalo sa nasabing programa ng Odiongan District Jail kung saan ay itinayo ang bagong gusali ng BJMP sa lupa na donasyon ni Ginang Elmina Fabon Fallar sa Barangay Anahao, Odiongan, Romblon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png