• Tony Miñano Macalisang

Mga baril, bala at Granada nakuha sa isang bahay sa San Andres, Romblon


SAN ANDRES, Romblon – Nakunan ng mga baril, bala at Granada ang isang bahay sa Sitio Hablon, Barangay Tan-agan, San Andres, Romblon kaninang 8:30 ng umaga, Enero 29, 2021.


Kinilala ng San Andres Municipal Police Station (SAMPS) ang suspek na may-ari ng bahay na si Roberto Ocampo Gan, 60 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Sitio Hablon, Barangay Tan-agan, San Andres, Romblon.


Sa imbestigasyon ng San Andres MPS, ang pinagsanib na mga operatiba ng San Andres MPS (Lead Unit), PIU/RPPO, EOD-Romblon at Romblon Provincial Mobile Force Company (RPMFC) ay nagsagawa ng warrant operation base sa Search Warrant na inisyu ni Judge Edwin B. Buffe ng Regional Trial Court (RTC) nitong Enero 28, 2021 sa pamamahay ng suspek na si Gan tungkol sa paglabag sa RA 10591 docketed under SW 01-2021.


Pagkatapos na maisagawa ang search operation sa loob ng pamamahay ng suspek ay nakakuha ang mga awtoridad ng dalawang (2) improvised shotgun, labing apat (14) na pirasong bala ng shotgun, isang kalibre .38 revolver (walang serial number) na may apat na bala, isang piraso na MK2 hand grenade, isang kulay itim na lalagyang bag, isang improvised magazine ng shotgun at isang piraso na grenade canister.


Ang pagmarka, pagkuha ng litrato at pag-imbentaryo ng mga nakuhang ibedensya ay isinagawa sa naturang lugar sa harap ng suspek, mga barangay opisyal at representatnte ng media.


Ang nasabing operation ay may kaugnayan sa One Time Big Time laban sa mga loose firearms na pinapatupad ng gobyerno.


Ang suspek at ang mga nakuhang ibedensya ay dinala sa San Andres MPS at kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng nasabing estasyon para sa imbestigasyon at ihaharap sa nakasasakop ng korte para sa kaukulang disposisyon.


Itinanggi naman ng naturang suspek ang mga paratang.


Napag-alaman, matapos ang beripikasyon sa suspek na dati na itong nakasuhan ng Murder sa RTC noong 1994 at ang nasabing kaso ay nadismissed.


Kasong paglabag sa RA 10591 (The Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at PD 1866 as amended by RA 9516 ang inihahanda ng San Andres MPS para isampa sa korte laban sa nasabing suspek. (Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.