• Romblon Sun

Mga inabandonang ilegal na nilagareng kahoy narekober sa San Fernando, Romblon


SAN FERNANDO, Romblon – Narekober ng DENR at kapulisan ang mga abandonadong ilegal na nilagare na kahoy sa Sitio Ilaya, Barangay Canjalon, San Fernando, Romblon nitong hapon ng Marso 17, 2021.


Sa ulat ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS), isang anti-illegal logging operations umano ang isinagawa ng tauhan ng DENR San Fernando na si Mark Adonis Romera, Forest Protection Officer na inasistihan ng mga tauhan ng San Fernando MPS sa Sitio Ilaya, Barangay Canjalon, San Fernando, Romblon kung saan pagdating sa naturang lugar ay nakarekober ang grupo ng mga nilagareng kahoy na narra at lawaan na may kabuuang sukat na 157 board feet na tinatayang nagkakahalaga ng P4, 710.00.


Hindi pa natukoy ng mga operatiba ang posibleng nagmamay-ari ng nasabing mga nilagareng kahoy na kusang inabandona dahil sa takot na mahuli ng mga awtoridad.


Ang mga nakumpiskang mga kahoy ay dinala at isinailalim sa pag-iingat ng San Fernando MPS at ipinagkatiwala naman sa opisina ng DENR San Fernando ang kaukulang aksyon sa naturang narekober na mga kahoy. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.