• Tony Miñano Macalisang

Mga LSIs at Balik Probinsya hiniling na isailalim ng Rapid Test bago pasakayin ng barko at eroplano


ODIONGAN, Romblon - Nagpasa ng Resolution ang Sangguniang Bayan ng Odiongan na hiniling sa Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) na magsagawa ng Rapid Test sa lahat na uuwi na LSIs at Balik Probinsya na nasa daungan ng Batangas, Lucena at maging sa airport bago pasakayin ng barko at eroplano na papunta sa lalawigan ng Romblon.


Nakasaad Resolution ng Sangguniang Bayan ng Odiongan na noong ipinatupad ang Balik-Probinsya Program at pinayagan na makabalik ang mga locally stranded individuals sa kani-kanilang lugar sa lalawigan ay tumaas ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19.


Ayon pa sa Resolution na pinangunahang inakda ni Konsehal Michael M. Arevalo na noong panahon ng Enhanced Community Quarantine at noong nasa Modified Community Quarantine ang lalawigan ng Romblon na dahil sa kontrolado ang galaw ng mga tao ay namentina nito na maging kabilang sa mga probinsya sa buong bansa na COVID-17 free.


Nakasaad pa sa Resolution na; “….to protect the health and life of our inhabitants, this august Body believed that rapid testing of LSIs/Balik Probinsya from the port of origin must be done as precautionary and preventive measure before embarking the vessel/plane going to the province of Romblon.”


Base pa sa Resolution na, sa kasalukuyan umano ay may apat na kaso sa probinsya ang kumpirmadong positibo at ito ay nakababahala kung saan ang mga kagamitan at pasilidad ng mga ospital kasama na ang mga mangagamot at mga staff ay hindi pa gaanong handa at kulang sa kaalaman para harapin kung dumating na ang sitwasyon na lumala ang problema sa COVID-19. (Tony Miñano Macalisang / Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.