• Tony Miñano Macalisang

Mga pupunta ng Odiongan mula sa Romblon, Romblon kailangan na mag quarantine ng 14 na araw


ODIONGAN, Romblon - Ang lahat na gustong pumunta sa bayan ng Odiongan na nanggaling sa bayan ng Romblon ay kinakailangan pa rin na sumailalim sa quarantine ng 14 na araw ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang FB post.


“Sa lahat ng papasok sa bayan ng Odiongan mula sa Romblon, Romblon, kahit po mga APORs, kailangan pa rin mag quarantine ng 14 na araw kahit na negative ang antigen test ninyo,” ayon kay Mayor trina Fabic.


Ayon kay Mayor Trina Fabic, ang antigen test umano ay may chance na mag false negative, lalo na kung ang gamit ay antigen test na hindi pa FDA approved. Katulad umano sa nangyari sa isang pasyente sa Romblon, Romblon na dalawang (2) beses na nag negatibo sa antigen test pero nag positibo sa swab test.


“Pwede kayo mag swab test sa panglimang araw para mapaikli ang inyong pag quarantine. Pero ma quarantine pa rin kayo” ayon pa kay Mayor Fabic.


Sa ngayon, Enero 12, 2021 ay pito (7) umano ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Romblon, Romblon na posibleng dalawa ang magkaibang pinagmulan at hindi pa natatapos ang contact tracing ayon kay Mayor Trina.


Ayon kay Mayor Fabic, kailangan umanong sumunod sa quarantine protocol na pinapatupad ng LGU-Odiongan, walang exemptions, kahit na mga APOR at walang nararamdaman at sintomas ay posible pa rin umanong makahawa ng virus.


“Mabuti na nag-iingat tayo at kailangan na sumunod sa quarantine protocol ng munisipyo ng Odiongan. Kahit po APOR at kahit walang nararamdaman ay posible pa rin na mahawa ng COVID-19, at posible ninyo itong maipasa sa iba. Kaya wala pong exemptions. Hindi ito biro, at gagawin namin ang kailangan naming gawin para proteksyunan ang mga mamamayan na aming sinisilbihan. Salamat sa pag unawa.” ayon kay Mayor Trina. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.