• Tony Miñano Macalisang

Mga PWD Nagtapos ng Pagsasanay sa Bamboo at Nito Handicraft Making sa Odiongan, Romblon


ODIONGAN, Romblon – Labin-limang benepisaryo ang nagtapos sa tatlong araw na pagsasanay ng “Bamboo at Nito Handicrafts Making” ang binigyan ng kanilang sertipikasyon nitong Agosto 27, 2020 na isinagawa sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon.

Ang pagtatapos ng basic training ng mga kalahok na karamihan ay kabilang sa Person with Disability (person with hearing and speech disability), mga magulang na may kapansanan ang anak (down syndrome, mental disability) ay dinaluhan ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, kasama ang ilang konsehal at mga kawani ng munisipyo ng Odiongan.

Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Municipal Tourism Office, Person with Disability Affairs Office at ng Community Organizers na sinuportahan ng Odiongan LGU sa pamumuno ni Mayor Fabic.

Ang mga kasali sa pagsasanay ay tinuruan sa paggawa ng iba’t-ibang produkto na yari sa kawayan at nito kagaya ng market basket, plant basket, nigo, tray, house décor at marami pang iba.

Panawagan naman ang LGU Odiongan na suportahan ng gawa ng mga kalahok ng kabilang sa PWD upang matulungan ang mga ito sa kanilang bagong hanapbuhay. Ipakita ang pagmamahal sa pamagitan ng pagtangkilik sa kanilang mga gawa, sa mga produktong lokal mula sa Barangay Panique, Odiongan, Romblon.

Para sa gustong umorder ay makipag-ugnayan lamang kay Ma’am Elena Casidsid, Community Organizer ng Municipal Tourism Office ng Odiongan ([042]-567-5253). (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.