MGA SUSPEK SA PAGPASLANG KAY SP MAULION KINASUHAN SA PISKALYA


ODIONGAN, Romblon – Pormal nang naghain ng Complaint sa Provincial Prosecutor Office (PPO) ng Romblon si Attorney Rynbert Anthony L. Maulion panganay na anak ng pinaslang na Board Member ng 2nd District ng Romblon na si Robert Maulion laban sa mga itinuturong suspek.


Kinasuhan ni Atty. Maulion ng Murder ang mga suspek na sina Prince Cedric M. Mendez, Shannen Amber Solis Lim, John Doe at Jane Doe sa nasabing tanggapan na nakapaloob sa NPS Docket No. 20H-092.


Kasama ring sinampahan ng kaso sa Provincial Prosecutor Office sina SP Maria Rhosarean Solis alias “SP Nene”, Lian Erin Lim at Krissia Mallari ng paglabag sa P.D. 1829 otherwise known as Obstruction of (Apprehension and) Prosecution of Criminal Offenders na may NPS Docket No. 20H-093; at paglabag sa R.A. 10175 o kilala sa tawag na Cybercrime Prevention Act of 2012 sina SP Maria Rhosarean Solis alyas “SP Nene” at Lian Erin Lim sa ilalim ng NPS Docket No. 20H-094.


Ang nasabing mga suspek ay pawang mga residente ng Romblon, Romblon.


Matatandaan na si SP Member Robert Maulion ay natagpuang walangbuhay sa ika-apat na palapag ng kanyang bahay sa Barangay Tabingdagat, Odiongan, Romblon noong 9:30 ng umaga ng Hunyo 27, 2020.


Sa ginawang awtopsiya sa biktima ito ay nagtamo ng labing-anim (16) na saksak sa katawan at sa leeg. Nakitaan rin ito ng mga pasa sa mukha. (AMM/Romblon Sun Online)



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.