Odiongan Pulis good deeds sa panahon ng pandemya




ODIONGAN, Romblon – Kasabay ng puspusang pagbabantay sa border ng bayan ng Odiongan at pagpapatupad ng Quaratine Guidelines, ang mga Kapulisan ng Odiongan Municipal Police Station ay hindi nakalimot na maghatid ng tulong sa ating mga kababayan.


Ang bayanihan ng bawat isa ay sinuportahan ng himpilang ito na kung saan sa loob ng dalawang buwan at kalahati ay nagkaroon ng Adopt-A-Family (Kapwa Ko, Sagot Ko) Program sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga food packs sa mga kababayan na ang pondo ay mula sa sariling kontribusyon ng PNP personnel ng Odiongan MPS.




May mga ilan ding mga Good Samaritan na nag-abot ng kanilang tulong upang makadagdag sa mga ipinamamahaging food packs sa mga kababayan na mula sa indigent family, mga PWD at mga single parents.


Tatlongdaan at limampong (350) pamilya ang nabiyayaan ng naturang food packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilya na tatagal ng dalawa (2) hanggang limang (5) araw.





Gayundin, dahil sa limitado ang mga pampublikong transportasyon, ay naglaan ng oras ang mga nakatalaga sa mobile patrolling para sa “Libreng Sakay” lalo na sa mga kababaihan. Naitala ng Odiongan MPS ang isangdaan at tatlumpo’t dalawa (132) na binubuo ng 2 buntis, 100 nakababaihan, 10 na senior citizen, 3 na may kasamang bata at 17 na kalalakihan ang naisakay ng ating mga patrol cars. Isang simpleng pagtulong sa kapwa na siyang higit na kailangan ng bawat isa sa panahon ngayon ng epedemya.


Dalangin ng Odiongan MPS na palawakin pa ang pang-unawa, pagmamalasakit at pairalin ang bayanihan upang mapagtagumpayan ang laban sa COVID 19.

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.