MOA SIGNING, SA PAGITAN NG BANTON MPS AT RELIGIOUS SECTOR


Banton, Romblon- Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 Police Community Relations Month, nagkaroon ng kasunduan sa pamamagitan ng pagpirma ng Memoradum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Banton Municipal Police Station (BMPS) at Religious Sector upang patatagin ang “PROJECT SQUADDING for INTERNAL CLEANSING” ng bawat miyembro ng kapulisan at empleyado nito na ginanap sa Banton MPS noong Hulyo 30, 2020.

Kasama rin sa nasabing MOA ay ang pagpapatupad ng PNP Interfaith Spiritual Quest Undertaking and Discipleship (SQUAD) System.

Ang naturang pirmahan ng MOA ay isinagawa sa pagitan ng Banton MPS sa pangunguna ni PLT Edward B. Leaño, OIC at ng Seventh Day Adventist Church Evangelist, Bro. Juanito Fabella, gayundin ng Foursquare Church sa pamumuno ni Pastor Johnny Fabul.

Kasunod ring ginawa ang kaparehong pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan muli ng Banton MPS at Evangelical Church sa pamumuno ni Pastor Alfredo Torrechiva noong Hulyo 31, 2020.

Pagkatapos ng naturang aktibidad ang mga religious sector ay nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa tiwala na binigay ng Banton MPS upang manguna na maging matatag sa kanilang pananampalataya sa Diyos at magkaroon ng magandang samahan ang bawat-isa anuman ang reliyon na kinabibilangan ng mga ito. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.