• Romblon Sun

Nabigong magnakaw sa tindahan sa Looc, Romblon, huli sa CCTV


LOOC, Romblon – Isang lalaki ang dinampot ng pulisya matapos ireklamo ng may-ari ng tindahan na pinagtangkaan niyang buksan dakong 3:00 ng madaling araw nitong Linggo sa Barangay Poblacion, Looc, Romblon.


Ang itinuturong suspek ay kinilala na si JJ Rhomyne Bernardo Garachico, 20, binata, grade 11 na estudyante at residente ng Barangay Punta, Looc, Romblon habang ang nagreklamo ay si Reyjel Fillarta Dionisio, 43, may-asawa, negosyante at nakatira sa Barangay Poblacion, Looc, Romblon.


Sa ginawang imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station (LMPS), pinuwersang sinira umano ng suspek ang kandado ng tindahan ng negosyante si Dionisio ngunit hindi ito nagtagumpay na mapasok ang tindahan ng biktima.


Nakilala ang nasabing suspek pagkatapos na mareview ang kuha ng nakakabit ng CCTV sa naturang tindahan kaya’t ito ay inireport sa pulisya na agad namang umaksyon at nahuli ang suspek sa ginawang hot pursuit operation dakong 4:30 ng hapon sa kaparehas na araw sa kanilang tahanan sa Barangay Punta, Looc, Romblon.


Ang suspek ay kinustodiya ng Looc MPS at inihahanda ang kasong Attempted Robbery na isasampa sa Prosecutor’s Office sa Odiongan, Romblon laban sa naturang suspek. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.