• Tony Miñano Macalisang

Nanay ng isang buwang sanggol na taga Alcantara na nagka Covid nagpositibo rin.


Nagpositibo rin sa COVID-19 ang nanay ng isang buwan na sanggol na locally stranded individual (LSI) na taga Alcantara, Romblon na dineklarang nagkacovid.


Sa pahayag ni Mayor Riza Galicia Pamorada ng Alcantara, Romblon nakipag-ugnayan na umano sila sa LGU Caloocan at sa Opisina ng Pangalawang Pangulo na mapangalagaan at mabigyan ng kaukulang hiwalay na pasilidad para sa nanay ng sanggol.

Ang batang pasyente na naunang nang dineklara na positibo sa COVID-19 noong Hulyo 12, 2020 ay kasalukuyang nagpapagaling sa National Children’s Hospital simula nang ito ay ilipat galing sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc, Romblon.


Maalaala na dumating ang mag-ina sa Alcantara kasama ang yaya ng bata sakay ng Cebu Pacific Flight No. DG-6073 noong Hulyo 5, 2020 at inilagay sa Home Quarantine ang tatlo sa Barangay San Isidro, Alcantara, Romblon.

Nakitaan ng pagdevelop ng sintomas (nagsusuka) ang bata noong Hulyo 7 at agad itong dinala sa Don Modesto Formilleza, Sr Memorial Hospital sa bayan ng Looc, Romblon.


Napag-alaman na ang sanggol ay may 29 na closed contacts at 17 dito ay nagnegatibo na at tanging ang ina ng bata lamang ang nagpositibo sa COVID-19. Kasalukuyang hinihintay pa ang resulta ng kumpirmasyon para sa labing isa (11) pa.

Sa ulat umabot na sa siyam ang nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Romblon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.