• Tony Miñano Macalisang

Negosyante Dinakip Sa Pagbebenta ng Gasolina na Nakalagay sa Bote sa Cajidiocan, Romblon


CAJIDIOCAN, Romblon – Arestado ang isang babaeng negosyante sa pagbebenta ng bote-boteng gasolina sa Barangay Gutivan, Cajidiocan, Romblon nitong hapon ng Agosto 28, 2020.


Ang hinuling suspek ay kinilala ng kapulisan na si Helen Rabino Rivero, 38 taong gulang, dalaga, negosyante at residente ng Barangay Gutivan, Cajidiocan, Romblon.


Sa imbestigasyon, napag-alaman na sa nasabing petsa oras at lugar ay nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station laban sa ilegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo kung saan ay nahuli ang suspek.


Nakumpiska sa negosyanteng suspek ang mga produktong gasolina na nakalagay sa mga bote ng softdrink, gallon, plastic containers at mga kahon na lalagyan ng mga bote ng softdrinks.


Kasong paglabag sa PD 1865 ang inihahandang isasampa ng Cajidiocan MPS sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa nasabing suspek. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.