• Tony Miñano Macalisang

Negosyanteng Senior Citizen sa Kabesira ng Romblon na may WOA, Dinakip ng Pulisya


ROMBLON, Romblon – Inaresto ng kapulisan ang isang senior citizen na may mandamyento de arresto dakong 10:00 ng umaga kahapon, Pebrero 3, 2021 sa Barangay II, Poblacion, Romblon, Romblon.


Kinilala ang hinuli na si Nelson Mijares Ferriol, 72, may-asawa, negosyante at residente ng Barangay II, Poblacion, Romblon, Romblon.


Si Ferriol ay dinakip ng pinagsanib na operatiba ng Romblon Municipal Police Station sa pangunguna ni PLT. Hilario V. Eugenio, PIU-Romblon PPO, PNP Maritime Romblon, at RID sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon noong Pebrero 1, 2021 dahil sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Sec. 5 (b) Art. III of RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. FC-39-J-19 at may rekomendang piyansa ang korte na halagang One Hundred Eight Thousand Pesos (P 108,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing inarestong senior citizen ay nasa ilalim ng kustodiya ng Romblon MPS para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png