• Tony Miñano Macalisang

Odiongan COVID-19 Free Muli


ODIONGAN, Romblon – Idineklarang COVID-19 Free muli ang bayan ng Odiongan matapos na makumpleto ng unang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 ang mandatory quarantine na hindi nakitaan ng sintomas sa loob ng labing-apat (14) na araw, ayon sa pahayag ng COVID-19 Advisory ng Odiongan LGU ngayong araw, Nobyembre 23, 2020.


Ang nasabing pasyente na isang Locally Stranded Individual (LSI) ay nagnegatibo rin sa resulta ng antigen swab test na isinagawa sa kanya.


Base sa sinusunod na protocols ng Department of Health (DOH) ang nasabing pasyente na narekober na sa kanyang dinadalang karamdaman ay maari nang makauwi sa kanilang tahanan.


Samantala, pinapabulaanan naman ng Odiongan LGU ang kumakalat na “fake news” na may kumakalat na COVID-19 sa bayan ng Odiongan. Anila, tanging ang nag-iisang pasyente lamang ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa anasabing bayan at sa kasalukuyan ay nagnegatibo na ito ngayong araw at nakatakda nang umuwi.


“Maging responsable nawa tayo sa pagbibigay ng tamang impormasyon upang hindi magdulot ng pagkabalisa sa komunidad,” ayon sa kanilang post sa fb.


Kanilang ipinahayag na ang Odiongan LGU ay laging nagpapalabas ng paabiso sa mga bagong talang kaso at mahalagang impormasyon at kung kailangan umano ang beripikasyon sa anumang ulat ay mag-iwan na lang ng mensahe sa Odiongan PIO fb page. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.