Odiongan LGU, SK, KKDAT at Odiongan MPS Nagsagawa ng On-The-Spot Logo Making Contest


Odiongan, Romblon – Nagkatipon tipon sa Hiland Beach Resort, Brgy. Budiong, Odiongan, Romblon and mga magagaling na kabataang artists ng bayan ng Odiongan para sa isa na namang makabuluhang kaganapan - ang On-the-Spot Logo Making Contest para sa KKDAT Odiongan Chapter.

Ito ay magkasamang isinagawa ng Odiongan MPS, Sangguninag Kabataan ng Odiongan, Kabataan Kontra Droga at Terorismo at ng Pamahalaang Lokal ng Odiongan na kung saan ito ay maitatala sa kasaysayan ng Odiongan KKDAT dahil ang magwawaging logo ay siyang opisyal na gagamitin ng nasabing youth organization.

Ang dineklarang nagwagi ay si Ms. Marcella Victoria G. Galang na taga Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon. Ang nakakuha ng second place ay si Iggy M. Machon, na mula sa Barangay Libertad, Odiongan, Romblon at ang third ay napunta naman kay Von Jovi F. Manalon na taga Brgy. Poctoy, Odiongan, Romblon.

Ang iba pang kalahok na nagpamalas din ng galling ay sina Shamel T Gado, Brgy. Poctoy, Odiongan, Romblon; John Jake F Fadri, Tabobo-an, Odiongan, Romblon; Junil T Carpio, Brgy. Dapawan, Odiongan, Romblon; John Paul G  Gregorio, Brgy. Malilico, Odiongan, Romblon; Marc Lester A. Ferrancullo, Brgy. Tumingad, Odiongan, Romblon; Jeter Fabon, Brgy. Budiong, Odiongan, Romblon; Zedrick Ben G. Salsosa, Brgy. Rizal, Odiongan, Romblon; Mariztelle C. Macatubal, Brgy. Liwanag, Odiongan, Romblon; at si Mike F Foja, Brgy. Gabawan, Odiongan, Romblon na siya ring SK Chairperson ng nasabing barangay.

Ang nasabing contest ay nagsimula sa isang maikling programa na kung saan ay nagbigay ng mensahe ng pasasalamat at pagbati sina Pastor Wenadel Joy M Atilano, Municipal KKDAT President, Hon. Kaila A Yap, Municipal SK Federation President, PCPT Manuel F Fernandez Jr., Chief of Police ng Odiongan MPs, at Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic.

Ang mga hurado ay mula sa iba’t –ibang sangay ng gobyerno at ito at sina: Ms. Syrna Flor B Erpilua, MLGOO; Mr. Kim Anthony F Faderon, Odiongan LGU PIO; PLT Alvin Rex N  Bangona mula sa  Romblon Provincial Mobile Force Company; MAJ Mat M Nuestro, Director, 4I0 CDC, ARESCOM; Mr. Vincent I Musa, Graphic Artist and Instructor I of Institute of Information Technology, Romblon State University; and Architect Juvy F Faderogaya, ABC President of Odiongan Municipality/Chief Judge.

Si Architect Faderogaya ang naatasang mag-anunsiyo ng mga nanalong kalahok at siya ring nagbigay ng pangwakas na mensahe para sa mga magagaling na kabataan na sumali sa nasabing patimpalak. - amlsoledad

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.