• Tony Miñano Macalisang

ODIONGAN WALA PANG KASO NG COVID-19


ODIONGAN, Romblon – Nananatili pa ring COVID-19 free ang bayan ng Odiongan matapos na magnegatibo ang isang umuwi na locally stranded individual (LSI) na naunang nagpositibo sa ginawa na rapid diagnosis test noong Hunyo 29, 2020.


Base sa pahayag ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), ay negatibo ang resulta sa ginawang RT-PCR test na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng nasabing LSI na naka isolate sa isang quarantine facility ng Odiongan.


Matatandaan na nagpositive at naging suspek ang naturang LSI na dumating na sakay ng Montenegro matapos na dumaan sa isinagawang RDT ng RHU-Odiongan.


Gayunpaman, pinapayuhan ng LGU Odiongan at ng Odiongan RHU ang lahat na mamamayan ng Odiongan na manatiling mag-ingat at laging sundin ang ipinapatupad na protocol ng DOH na huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask pag lumabas ng bahay, panatilihin ang social distancing na humigit kumulang na isang metro ang layo sa katabi, ugaliin na maghugas ng kamay at magsabon ng mabuti, ementina ang kalinisan, gawing malusog ang katawan at palakasin ang immune system. (Tony Minano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.