• Tony Miñano Macalisang

P20K PABUYA NG ODIONGAN LGU SA MAKAPAGBIGAY IMPORMASYON SA PUMASLANG KAY SP MEMBER MAULION


ODIONGAN, Romblon – Naglaan ng halagang P20,000 na pabuya ang Odiongan LGU sa sinuman na makapagturo sa pumatay kay Provincial Board Member Robert Maulion ng pangalawang distrito ng Romblon.


Ipinaabot ni Police Captain Manuel F. Fernandez, Jr., COP ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS), ang nasabing impormasyon sa ginanap na Press Conference na pinangunahan ng OMPS kahapon ng gabi.


Ayon kay Police Captain Fernandez, Jr., maaring makipag-ugnayan lamang umano sa kanilang estasyon kung may alam o nalalaman sa pagkakilanlan ng suspek.


Ayon pa kay Chief Fernandez, Jr., puspusan ang kanilang ginagawang pagtutok para sa madaling ikalulutas ng nasabing kasong pagpatay kay SP Member Maulion.


Si Sangguniang Panlalawigan Member Robert Maulion ay nadatnang walang buhay sa kanyang gusali noong 9:30 ng umaga ng Hunyo 27, 2020 kung saan ito ay pinasok at pinagsasaksak ng hindi pa nakilalang suspek. Nawawala rin ang mga personal na gamit ng biktima katulad ng pitaka, dalawang cellphone at di pa nalalaman na kalibre ng baril. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.