• Tony Miñano Macalisang

Pag-inom ng alak, pagsisigaw at walang pang-itaas na damit, bawal na sa Santa Maria, Romblon


SANTA MARIA, Romblon – Mahigpit nang ipapatupad at huhulihin ang sinumang tao na makitang umiinom ng alak, mga pakalat-kalat sa kalsada na walang suot na pang-itaas na damit, at ang mga sumisigaw ng malakas sa pagpublikong lugar na sakop ng teritoryo ng bayan ng Santa Maria, Romblon.


Ang mga sakop na pampublikong lugar ay kalsada (Barangay, Municipal, National), alley, sidewalk, baywalk/boulevard, mga pampublikong parke, pampublikong plaza, playground, recreational areas, sports complex, parking lots, mga tindahan, bars, mga restaurants at lahat na pag-aari na gusali ng gobyerno at mga establismento.


Kasama rin sa ipinagbabawal ang pagkabit ng maiingay na tambutso sa mga motorsiklo at ang pagtugtog ng malalakas na tunog ng videoke, na limitado lamang sa alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga upang hindi makakadistorbo ito sa katahimikan ng lugar


Ang sinumang lumabag sa nasabing ordinansa ay mapapatawan ng kaukulang multa na halagang P1,000.00 sa unang pagsuway, P1,500.00 sa pangalawang paglabag at halagang P2,500.00 sa pantatlong pagkakamali o kaya ay pagkakulong ng mga ilang araw depende sa mga inilabag na batas.


Ang nasabing kautusan ang nakasaad sa ipinasa at inaprubahang ordinansa ng bayan ng Santa Maria na Municipal Ordinance No. 3-2020 (A consolidated Ordinance on noise, drinking on public places, creating public disturbances, possession of bladed/pointed/blunted weapon and use of motor vehicles with modified muffler and sound booster within the municipality of Sta. Maria and imposing penalties thereof) na sponsored nina Sangguniang Bayan Members Limuel T. Manago, Limuel M. Mijares at Bernard D. Madrid. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.