Paghahati sa malalaking barangay sa Odiongan pinapanukala ni Vice Mayor Diven Dimaala


ODIONGAN, Romblon. - May proposal si Vice Mayor Diven Dimaala ng bayan ng Odiongan, Romblon tungkol sa planong pagbuo ng isa pang barangay mula sa malalaking barangay na may malaking populasyon.


Ayon kay Vice Mayor Dimaala, layunin ng nasabing panukala na paghahati ng malalaking barangay sa dalawa ayupang mapabilis ang paghatid ng tulong at pagbigay ng serbisyo sa barangay.


“The purpose of my proposal is for fast delivery of basic services,” ayon kay Vice Mayor Dimaala.


Sa kanyang binuong halimbawa ang pwedeng hatiin sa dalawang barangay ay ang Barangay Dapawan na nasa poblacion na may pinakamalaking populasyon sa bayan ng Odiongan na umaabot sa halos 4,126 katao.


Ang makakasama umano sa unang Barangay ay ang Sitio Torrel, Bayside, kasama ang kinaroroonang lugar ng TIELCO, at ang looban ng Torrel at sa pangalawang barangay naman ay kabibilangan ng Cocoville, kasama na ang Public Market, Sentro Upper Dapawan, interior Dapawan at Kiwkiw.


Maliban sa Barangay Dapawan ay iminumungkahi rin ni Vice Mayor Dimaala ang iba pang malalaking barangay kung sakaling makakapasa ang mga ito sa mga requirements na kailangan sa pagbuo ng barangay.


Kabilang sa listahan ni Vice Mayor Diven ay ang Barangay Patoo na sakop ang malaking Sitio na Aurora, at ang Barangay Panique na ang makakahati ay ang malaking Sitio nang Boliganay.


Marami naman ang pumapor sa nasabing panukala ni Vice Mayor Diven kung saan anila ay ito na ang panahon na isulong ang pagkaroon ng bagong barangay mula sa malalaking barangay.


Ayon kay Danton Arevalo, dating taga DILG, “Creation of barangays is provided in the Local Govt. Code of 1991 of at least 2,000 population of inhabitants. That the mother barangay shall not be reduced from 2,000 population also of its inhabitants. In order to create another barangay subject barangay must have 4,000 inhabitants to suffice the requirement of the Code.”


Komento naman ni Dylan Ferrer, “That's a very sound proposal po Vice. Nahihirapan din siguro mag-manage ng heavily-populated barangays ang ating mga kapitan”.


Ayon naman kay James Fajarito, “tama sir sa Barangay Dapawan para matawan it mas maadong atensyon ‘tong upper ag maka focus it maado kag inra magiging opisyales para kaling sa baba ay ibang programa ray ag ibang opisyales”.


“Ok po yan for better delivery of basic services. For now po siguro, Barangay Dapawan ay pwede na, considering their 4,000 plus na population,” ang sagot naman ni Johnny Solis.


Yan ay ilan lamang sa mga nagpaabot ng kanilang mga mungkahi, saloobin at suhestyon para sa naturang proposal ni Vice Mayor Dimaala na umano ay para sa kabutihan at pangarap ng mga Odionganons tungo sa tuloy-tuloy na pagsulong at pag-unlad ng bayan ng Odiongan.

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.