• Tony Miñano Macalisang

Pagkakalat ng tsismis, pagmumura ng “yawa” bawal na sa San Andres, Romblon


SAN ANDRES, Romblon –Ang Sangguniang Bayan ng San Andres, Romblon ay umakda ng ordinansa na ipinagbabawal sa nasabing bayan ang mga gawain na nakagagambala, nakayayamot, at nakadidistorbo sa ibang tao katulad ng pagmumura o pagsasalita ng “yawa” “litse”, “puta” at “putang ina” at pagkakalat ng tsismis na nasisira ng dignidad at pagkatao ng isang indibidwal.

Ang mga nasabing ipinagbabawal na gawain o aksyon sa bayan ng San Andres, Romblon ay nakapaloob sa Municipal Ordinance No. 02. na may titulo na; “AN ORDINANCE PREVENTING PUBLIC NUISANCE IN THE MUNICIPALITY OF SAN ANDRES, ROMBLON AND PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF”.


Maliban sa pagkakalat ng mga tsismis, sakop rin ng nasabing ordinansa ang pagbabawal sa mga aktibidad na nakagagambala, nakakadistorbo o makapagdulot ng panganib at disgrasya sa ibang tao katulad ng mga sumusunod: walang suot na pang-itaas na damit o hubad sa mga pampublikong lugar, maiingay na nag-iinuman, pagsisigaw sa loob at labas ng bahay, pagmumura o pagsasalita ng “yawa”, “litse” “puta” at iba pang bulgar na salita, pambabato, pagiinuman sa labas ng bahay, pag-ihi sa pampublikong lugar, pagsusugal, bandalismo, at ipapatupad ang curfew mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.


Ang sinumang lalabag sa nasabing ordinansa ay mapapatawan ng kaukulang multa na P500 o dalawang araw na community service sa unang pagsuway, halagang P1,000.00 naman sa pangalawang pagkakasala at P2,000.00 o isang buwan na pagkabilanggo ang ipapataw sa pangatlong pagsuway sa nasabing ordinansa.


Kung ang lumabag ay isang menor edad ay ihaharap ito sa opisyal ng Barangay para dahil sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at sa tulong ng mga barangay Officials Barangay Hall ay pakakawalan ito sa kustodiya ng mga magulang o guardian kung wala ang mga ito ay sa pinakamalapit na kamag-anak ng bata o kaya’y sa isang rehistradong non-government organization kung hindi man sa isang religious organization. (Tony M. Macalisang/Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.