• Tony Miñano Macalisang

PAGKALOCKDOWN NG BRGY. SAN ISIDRO, ALCANTARA AALISIN NA


ALCANTARA, Romblon – Aalisin na ang pagka lockdown ng Barangay San Isidro sa bayan ng Alcantara, Romblon maliban sa Zone 1 simula ngayong araw, Hulyo 22, 2020.


Ito ang naging pahayag ni Mayor Riza Galicia Pamorada matapos mapagkasunduan ng Municipal Inter-Agency Task Force sa kanilang meeting na puwede nang tanggalin ang pagkalockdown ng Barangay San Isidro matapos ang 14 na araw na nagkaroon ng LSI na nagpositibo at walang nagkasintomas ng COVID-19 sa nasabing barangay.

.

Matatandaan na nagpositibo sa COVID-19 ang isang buwan na sanggol na locally stranded individual na dumating sa nasabing bayan lulan ng Cebu Pacific Flight No. DG-6073 kasabay ang dalawampu’t limang (25) pasahero kasama ang kaniyang nanay at tagapag-alaga (yaya) noong Hulyo 5, 2020.

Naadmit ang bata sa Don Modesto Formilleza Sr Memorial Hospital sa bayan ng Looc at kalaunan ay dinala ito sa National Children Hospital kung saan ay kasalukuyang nagpapagaling.ang bata.


Sa kaugnay na balita ipinababatid ni Mayor Pamorada na muling tatanggap ng LSI ang bayan ng Alcantara simula sa huwebes, Hulyo 23, 2020, at tanging ang mga may Travel Authority at acceptance lamang mula sa barangay ang pahihintulutan na bumiyahe.


“Tatanggap na muli ng LSIs simula sa huwebes, July 23, 2020, tanging ang may Travel Authority at acceptance mula sa inyong barangay ang siyang papayagang bumiyahe,” ayon kay Mayor Pamorada. Ayon pa kay Mayor Pamorada kasalukuyan ring hinihintay ang resulta ng siyam na sumailalim sa RT-PCR tets na kasama sa contact tracing kung saan ang mga ito ay nananatiling asymptomatic o walang sintomas at kasalukuyang nasa isolation facility.

Laging ipinapaalaala ng ng LGU Alcantara at Alcantara RHU na sumunod sa pinapatupad na minimum health standards, katulad ng pagsuot ng face masks, pagsunod sa social distancing (isang metro ang layo sa katabi) at ang regular na paghugas ng kamay. (Tony Miñano Macalisang / Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.