• Tony Miñano Macalisang

Pagtanggap ng LSI sa bayan ng Santa Fe, Romblon suspendido mula Disyembre 5 hanggang Enero 6, 2021


SANTA FE, Romblon – Pansamtalang sinuspendi ang pagtanggap ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) sa bayan ng Santa Fe, Romblon mula Disyembre 5, 2020 hanggang Enero 6, 2021.


Sa Advisory na nilagdaan at ipinalabas ni Mayor Elsie D. Visca ng LGU Santa Fe, ang nasabing kautusan ay base sa napagkasunduan ng Local Inter-Agency Task Force Against COVID-19 kasama ang Liga ng mga Barangay members ng Munisipyo ng Santa Fe sa ginawa nilang pagpupuong noong Disyembre 1, 2020.


Tanging ang mga Authorized Person Outside Residence (APORs) at Repatriated Overseas Filipinos (ROF), at Essential Travels and Indispensable Travels lamang ang tatanggapin.


Ayon sa Advisory ng Local Inter-Agency Task Force Against COVID-19 ito umano ang kanilang aksyon laban sa pagtaas ng kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Romblon at upang mabigyan rin ang mga frontliners at ang mga Barangay Health and Emergency Team ng sapat na panahon na makapagpahinga.


Ang pagtanggap umano sa mga LSIs ay muling ipagpatuloy sa susunod na taon, Enero 7, 2021. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.