• Tony Miñano Macalisang

Pitong panibagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 naitala ngayong araw sa Romblon


ROMBLON, Romblon – May naitala na panibagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Romblon ngayong araw, Enero 11, 2021.


Ayon sa tala ng PESU Romblon, ang bayan ng Romblon, Romblon ay may anim na kaso at isa naman sa bayan ng Cajidiocan na ngayon ay naka quarantine sa isang pasilidad.


Base sa ulat ng RHU Romblon, ang lima sa dineklarang nagpositibo sa COVID-19 ay mga naging close contact ng dinalang pasyente sa Romblon Provincial Hospital (RPH) sa Odiongan kamakailan na nag positibo sa COVID-19 at kasalukuyang nakaisolate at nagpapagaling.


Ayon pa sa RHU Romblon, sampu sa mga naka close contact ng pasyente sa RPH ay negatibo ang resulta at may pito pang hinihintay ang resulta.


“Dumating na ang resulta ng mga close contact ng pasyente na inoperahan sa Romblon Provincial Hospital noong nakaraang linggo at sampu ay negatibo, lima ang positibo sa COVID 19 at pito ang hinihintay pa natin na resulta”, ayon sa RHU – Romblon.


Kasalukuyan na rin umanong ginagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng limang bagong kaso sa bayan ng Romblon.


Samantala, ang nagpositibo sa bayan ng Cajidiocan ay naka quarantine na rin umano, kabilang ang apat na naging close contact nito. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.