• Tony Miñano Macalisang

Probinsya ng Romblon may 8 nang aktibong kaso ng COVID-19, matapos na madagdagan ng 2 ngayong araw


ROMBLON, Romblon – Dalawang kaso ang muling nadagdag na nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Romblon ngayong araw, Nobyembre 18, 2020 matapos na dumating ang resulta ng RT PCR test.


Sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang bilang na 8 aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Romblon na ang pito (7) ay local transmission sa munisipyo ng Romblon at isang LSI sa bayan ng Odiongan na pawang naka isolate sa itinalagang quarantine facility.


Sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, mayroon pang 13 suspek ang isinailalim sa monitoring at nasa 124 naman ang hinihintay pa ang resulta ng kanilang RT PCR test.


Ayon sa fb post ni Governor Jose “Otik” Riano, on going umano ang contact tracing at tuloy-tuloy ang swabbing para sa lahat na mga na close contact ng mga nagpositibo sa COVD-19 upang mapadala ang mga specimens sa testing centers.

“6 a.m. pa lamang kanina ay sinimulan na ang swabbing sa mga close contacts at ang mga specimen ay ipapadala sa 3 testing centers Ritm. Nakiusap tayo sa Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Medical Center (DJNRMMC) kung saan ang Medical Center Chief ay si Dr. Alfonso Victorino Famaran, Jr. ay taga Looc, Romblon na maitest ang specimens sa kanilang hospital at sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa pamumuno ni Dr. Imelda M. Mateo, Medical Center Chief II,” ayon kay Governor Riano.


Aniya pa ni Governor Riano, Ang DJNRMMRC ay sister hospital ng RDH at meron silang pinirmahang MOA. Ang ARMMC MOA naman ay naantala umano dahil sa Covid 19, ganun pa man ay personal niyang pinakiusapan si Dr Famaran at Dr Mateo na sa kanilang hospital isagawa ang test at kung saan ay kapwa namang umanong pumayag na i- accommodate ang naturang testing.


“Eto ay ginawa natin upang mapa bilis na malaman ang resulta ng swab tests at maisaayos natin ang operations ng hospital, malapatan ng kaukulang gamutan ang natamaan ng virus at hindi na magkaroon ng Local transmission,” dagdag pa ni Gov. Otik.


Ayon pa kay Governor Riano, ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat na paraan upang macontain at hindi na kumalas ang virus sa buong probinsya.


Hiling din nito na sumunod ang lahat sa health protocols, mag stay at home kung walang importanteng gagawin sa labas at mag cooperate sa mga awtoridad. Ipinaabot din niya na mag-ingat at manalangin ang lahat na malampasan ang kasalukuyang pandemya (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.